Hinikayat ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez ang mga Local Government Unit (LGU) na maging aktibo rin sa pagbabantay kontra terorismo.
Sabi ni Galvez, hindi lamang ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang dapat na aktibo sa pagpapatupad ng kapayapaan sa kanilang lugar.
Hindi rin dapat i-asa sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagmo-monitor sa mga masasamang elemento na nais maghasik ng kaguluhan.
Sa ngayon kasi aniya, gumagamit na rin ng mga makabagong teknolohiya ang mga terorista kaya at napapasok ng mga ito ang mga mauunlad na bansa.
Ginawa ni Galvez ang pahayag kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga City.
Facebook Comments