Mga LGU, inatasan ng IATF na mag-isyu ng ordinansa na nagbibigay insentibo sa mga fully vaccinated individuals

Sa layuning maitaas ang bilang ng mga bakunado sa bansa, inaatasan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga lokal na pamahalaan na magpalabas ng kautusan o ordinansa na magbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated individuals.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, isa ito sa mga napagdesisyunan sa ginanap na IATF meeting kahapon.

Samantala, para naman sa mga business establishment ay kinakailangang humingi muna sila ng pruweba o patunay na fully vaccinated ang customer bago ito payagang makapasok sa kanilang establisyimento.


Base sa IATF guidelines, 50% ang indoor capacity pero mga fully vaccinated lamang ang papayagan habang 70% ang outdoor capacity anuman ang vaccination status sa ilalim ng Alert Level 2.

Facebook Comments