Kailangang maghintay ng mga Local Government Units (LGUs) ng go signal mula sa national government bago sila maaaring magsagawa ng sarili nilang vaccination program.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., mayroong iba’t ibang istratehiya para makakuha ng access sa mga bakuna.
Kabilang na rito ang bilateral agreement sa pagitan ng national government at manufacturers, diplomatic relations at tripartite agreement.
Paglilinaw ni Galvez na pinapayagan ang mga LGU na bumili ng bakuna sa ilalim ng tripartite agreement.
Ang LGUs ang maghahanda ng master list ng mga mababakunahan at listahan ng vaccination centers.
Makikipag-coordinate din ang mga LGU sa Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng vaccination
Pagtitiyak ni Galvez na magkakaroon ng equal distribution ng bakuna sa lahat ng LGUs.
Bawat LGU ay bibigyan ng sapat na doses ng bakuna para sa 70% ng local population para maabot ang herd immunity.
Ang rehearsal ng vaccination progam ay isasagawa sa susunod na linggo.