Umapela si Senator Sherwin Gatchalian sa mga local government unit (LGUs) na tulungan ang Department of Health (DOH) na bilisan ang pag rollout ng vaccination laban sa sakit na pertussis.
Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, higit isang libo na ang kaso ng pertussis sa bansa kung saan pinakamarami ang kaso sa mga batang wala pang limang taong gulang.
Sinabi ni Gatchalian na sa patuloy na pagtaas ng sakit ay mahalagang paigtingin ang pagbabakuna upang mabigyan ng proteksyon ang mga kababayan lalo na ang mga bata na mas mataas ang panganib na magkasakit.
Kaya naman mismong ang senador ay hinihimok ang mga LGU na tulungan ang DOH na palakasin ang pagbabakuna sa kanilang mga lugar dahil napatunayan namang ligtas at epektibo ang bakuna laban sa sakit na pertussis.
Sa kasalukuyan ay hinihintay na ng DOH ang karagdagang 3 milyong pentavalent (5-in-1) vaccine doses na ibinabakuna sa mga sanggol at bata na mabisang panlaban sa sakit na pertussis, diphtheria, tetanus, hepatitis B at Haemophilus influenzae ba talaga?