May hanggang bukas na lamang ang mga Local Government Unit (LGU) para maipamahagi ang ayuda sa mga residente sa Metro Manila na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa nakalipas na dalawang linggo.
Pero paglilinaw ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya, maaari namang humiling ng extension ang mga LGU lalo na kung marami silang benipisyaryo.
Hinimok din naman ng ahensya ang mga LGU na magtayo ng mas maraming distribution centers para mapabilis ang pamamahagi ng cash aid.
Hanggang noong Sabado, nasa 8.4 milyong benepisaryo sa NCR ang nakatanggap na ng ayuda.
Nakumpleto na ng Caloocan City ang pamamahagi ng ayuda habang ang 96.87% nang tapos ang Pateros; 82.71% ang Maynila; 82.52% ang Mandaluyong at 77.89% nang tapos ang Parañaque.