Pinadalhan na ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na naging mabagal ang pamamahagi ng P1,000 hanggang P5,000 ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinagpapaliwanag na ng DILG ang ilang opisyal ng LGUs kung bakit hindi pa nila nakukumpleto ang pamamahagi ng ayuda.
Sa ngayon kasi aniya ay nasa 74.94 porsyento pa lamang ng mga LGU ang nakakakumpleto sa pamamahagi ng ayuda.
Matatandaang Disyembre 2021 nang tumama ang Bagyong Odette sa bansa kung saan nasawi ang 407 na indibidwal at naapektuhan ang mahigit isang milyong pamilya.
Facebook Comments