Mga LGU na may mga seafarer hub, pinadadagdagan ng bakuna

Pinadadagdagan ng Marino Partylist ang alokasyong bakuna sa mga Local Government Unit (LGU) na may mga seafarer hub.

Ang panawagan ay bunsod na rin ng desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ire-classify sa A1 mula sa A4 priority list ang mga outbound Overseas Filipino Worker (OFW) kasama ang mga seafarer.

Ayon kay Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez, lubos nilang ikinalulugod ang pagtugon ng IATF na isama sa prayoridad ang mga paalis na OFWs dahil naniniwala silang ang mga ito ay essential o mahalaga sa bansa at sa pagbangon ng ekonomiya.


Magkagayunman, malaking hamon ngayon ang availability ng mga COVID-19 vaccine sa mga lugar na may mataas na concentration ng mga seafarer dahil naroroon din ang mga hub at kanilang dormitories.

Naniniwala naman si Marino Partylist 2nd Rep. Macnell Lusotan na kapag naglaan ang Department of Health (DOH) ng dagdag na bakuna na para lamang sa mga seafarer ay makakatulong ito para maresolba ang isyu sa pamamahagi ng bakuna sa mga residente at migrant workers.

Facebook Comments