Mga LGU na naapektuhan ng lindol, inatasan na magsagawa ng inspeksyon para sa structural integrity ng mga gusali

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) sa Luzon at Eastern Samar na tinamaan ng lindol na agad inspeksyunin ang lahat ng gusali na nasa ilalim ng kanilang mga nasasakupan.

Ito ay upang matiyak ang integridad ng mga istraktura.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – inatasan niya ang mga LGU na makipag-coordinate sa Bureau of Fire Protection (BFP) local offices para sa proper compliance sa National Building Code of the Philippines (NBCP) at sa Fire Code of the Philippines.


Binanggit ni Año ang nakasaad sa NBCP na ang isang gusali ay ikinukunsiderang dangerous kung nakitaan ito ng pinsala dulot ng sunog, lindol, hangin, baha, o iba pa na nakakaapekto sa structural strength o stability.

Ipinag-utos na rin ng kalihim sa mga regional at provincial director na i-assess ang pagiging epektibo at mga kulang sa mga isinasagawang earthquake drills.

Facebook Comments