Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na papapanagutin ang mga local officials na hindi sumunod sa kautusan noon ng Korte Suprema kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay DENR Undersecretary Sherwin Rigor sinimulan na nila ang pagtutok sa rehabilitasyon ng Manila Bay at una sa kanilang tatrabahuin ay ang pagsasampa ng kasong administratibo sa mga local government officials na nakakasakop sa Manila Bay.
Giit ni Rigor, mas lumala pa ang lagay ng Manila Bay matapos na ipag-utos ng Korte Suprema ang rehabilitasyon dito sampung taon na ang nakalipas.
Mananagot din sa batas ang mga Lgus na pumayag na tumira ang mga informal settlers sa mga estero.
Aniya, 70% ng basura na napupunta sa Manila Bay ay mula sa mga kabahayan sa estero.
Sinisilip na rin ngayon ng DILG ang mga records ng mga LGUs kung may paglabag sa hindi pagsunod sa kautusan ng Korte Suprema.
Mababatid na noong 2008 ay ibinaba ng Korte Suprema ang desisyon kung saan inaatasan ang mga government agencies at LGUs na aksyunan ang paglilinis sa Manila Bay kung saan nakapaloob pa sa desisyon ang operational palm para sa Manila Bay coastal strategy subalit hindi naman ito naaksyunan.