Nakatututok ngayon ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa mga lokal na pamahalaan para makagawa ng local poverty reduction action plan upang mabawasan ang kahirapan sa bansa na pangunahin direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III na nakipagpulong na siya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay sa hakbang na ito.
Natapos na rin aniya ang kanilang ginawang konsultasyon sa lahat ng lalawigan, mga highly urbanized city patungkol sa pagkakaroon ng local poverty reduction action plan.
Sa tamang panahon aniya ay ilalatag ng kanilang ahensya guidelines para rito at kung kailan ang full implementation.
Sinabi pa ni Santos na kasama ng NAPC sa pagpapatupad ng local poverty reduction action plan ay ang 25 national agencies, 14 na basic sectors at apat na leagues ng Local Government Unit (LGU).
Ang local poverty reduction action plan ay mga plano ng LGU na nakapaloob ang mga program at proyekto na nakuha mula sa civil society organization at mga stakeholder.