Mga LGU, pinahihingi ng permiso sa COMELEC bago mamigay ng ayuda ngayong campaign period

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na hingin muna ang permiso ng Commission on Elections (COMELEC) bago ipamahagi ang “ayuda” o tulong pinansyal sa kanilang mga nasasakupan sa panahon ng kampanya.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, ito ay para hindi sila maakusahan ng electioneering.

Aniya, maituturing na kasing vote-buying ang pamamahagi ng ayuda ng mga kandidato lalo na ang mga incumbent candidate.


Batay sa umiiral na Omnibus Election Code, bawal na ang pamamahagi ng ayuda maliban na lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na una nang pinayagan ng COMELEC.

Mayroong COMELEC Election Campaign Committee na siyang tututok sa lahat ng mga reklamong may kinalaman sa eleksyon laban sa lahat ng mga kandidatong lalabag sa pinaiiral na mga panuntunan.

Facebook Comments