Mga LGU, pinayuhan ng DILG na paghandaan na ang panahon ng tag-ulan sa bansa

Nagpaalala na sa mga Local Government Unit (LGU) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na paghandaan ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangang tiyakin ng mga LGU ang seguridad ng mamamayan kapag may malakas na ulan, bagyo, pagbaha at landslides.

Paliwanag ng kalihim, dapat umanong nakahanda na ang lahat ng mahahalagang aspeto ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM).


Giit pa ni Año na kailangang present at huwag maging missing-in-action ang mga Local Chief Executives sa panahon ng kalamidad.

Inaatasan din ang LGUs na ipatupad ang DILG’s Operation Listo Protocol para sa Hydrometeorological Hazards.

Gayundin, hinihikayat na pulungin na ang kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) para magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) para sa anumang kalamidad.

Facebook Comments