Humihiling ang mga lokal na pamahalaan sa labas ng NCR na baka pwede namang buksan ang mga sementeryo sa kanilang nasasakupan sa Oct. 30-31, 2021.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni League of Provinces of the Philippines President Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., na para lamang kasing inilipat yung mga araw na nabanggit sa Oct. 23 at 24.
Layon aniya nitong hindi magsabay- sabay ang dagsa ng tao sa mga sementeryo, kolumbaryo at iba pa kasunod nang nalalapit na paggunita ng Undas.
May nauna na kasing kautusan ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isara ang mga sementeryo mula Oct. 30 at Nov. 2 upang maiwasan ang super spreader event.
Pero paglilinaw ni Velasco, anuman ang desisyon ng IATF ay kanila itong susundin.
Facebook Comments