Mga LGU sa labas ng NCR na posibleng isailalim sa Alert Level System, natukoy na

Natukoy na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units sa labas ng National Capital Region (NCR) na maaaring isailalim sa Alert Level System.

Ayon ito kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines, maaaring sakupin ng Alert Level System ang isang lungsod o munisipalidad na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Aniya, ang Department of Health (DOH) ang tumutukoy sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1 hanggang Alert Level 5.


Sa kabila nito, tumanggi naman si Densing na banggitin ang nasabing mga lugar na isasailalim sa Alert Level System.

Facebook Comments