Panawagan ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga lokal na pamahalaan sa paligid ng Taal Volcano Island na tiyaking walang mga residenteng patuloy na nakatira sa lugar.
Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na wala nang dapat pang nakatira sa Taal Volcano Island dahil ito ay isang permanent danger zone.
Kahit aniya walang nararanasang pagsabog ngayon sa Bulkang Taal, hindi na dapat ito tinitirhan pa ng tao.
Babala ni Solidum, napakadelikado sa Taal Volcano Island dahil sa ngayon ay nagbubuga ng asupre ang bulkan.
Importante aniyang mapangalagaan ang kalusugan laban sa ibinubugang asupre o volcanic smog o vog ng Bulkang Taal.
Malimit aniyang tinatamaan nito kapag nalanghap ay ang respiratory tract o baga na posibleng magdulot ng hirap sa paghinga, at paglala ng asthma o hika.