MGA LGU SA PANGASINAN NA NAGPAPATUPAD NG NO VACCINE, NO ENTRY SA SEMENTERYO, NADAGDAGAN

Nadagdagan pa ang mga Lokal na pamahalaan sa Pangasinan na magpapatupad ng No Vaccine, No Entry sa pagpasok sa sementeryo sa obserbasyon ng Undas 2022.
Ang lungsod ng San Carlos naglabas na rin ng panuntunan para sa mga bibisita sa sementeryo.
Mahigpit na ipatutupad dito ang No Vaccine, No Entry bilang pag-iingat sa Covid-19 dahil sa marami ang bibisita mula sa loob at labas ng lungsod.

Tanging mga Fully Vaccinated Individuals lamang ang pinayagang makapasok sa mga pampublikong semeteryo.
Maglalagay naman ng Covid-19 vaccination site ang LGU para sa mga nagnanais na magpabakuna. Ang mga batang edad 10 pababa at indibidwal na 60 pataas ay hinihikayat na manatili sa bahay upang makaiwas sa Covid-19.
Bukas, October 28, 2022 hanggang November 1, ipatutupad din ang Liquor Ban sa loob ng pampubliko at pribadong sementeryo.
Ang bawat indibidwal na bibisita ay mayroon lamang isang oras upang manatili sa sementeryo.
Magtatalaga ang LGU ng mga volunteers na magmomonitor sa kanilang pananatili.
Ang Calasiao, ay nauna nang nagpatupad ng No Vaccine/Booster, No Entry. |ifmnews
Facebook Comments