MGA LGU SA PROBINSYA NG PANGASINAN, PATULOY PA RIN SA PAGMONITOR KAY BAGYONG EGAY

Patuloy pa rin sa pagmonitor ang mga lokal na pamahalaan ng iba’t ibang bayan at lungsod sa probinsya ng Pangasinan kay Bagyong Egay kung saan nakaalerto pa rin ang kani-kanilang nga MDRRMO para sa agarang pagresponde.
Gaya na lamang sa Mangaldan kung saan patuloy ang pagmonitor ng kanilang Quick Response Team at sanib pwersa rin ang ibat ibang sangay ng kanilang LGU para sa joint monitoring at patuloy rumoronda sa mga Barangay sa pangunguna ng MDDRMO nito.
Nagsagawa rin ng agarang road clearing operations gaya na lamang ng pagpuputol ng mga sanga at ng mga natumbang puno dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dala ng Bagyo.

Nakaalerto ang MDDRRMO sa bayan ng Bayambang kung saan patuloy rin ang kanilang pagiikot sa mga barangay kasama naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) at nagsagawa ng Rapid Damage and Needs Analysis (RDNA) kasama ang clearing operation activities at iba pang assistance na kinakailangan.
Sa ngayon ay patuloy ang paalala ng awtoridad sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan o hindi kaya mag evacuate sa oras na hindi ligtas sa kanilang mga kinaroroonan.
Huwag ding magdalawang isip na humingi ng tulong gamit ang telephone numbers at social media accounts ng mga ahensyang kayang magbigay ng tulong sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments