
Tinututukan na ng mga lokal na pamahalaan sa Southern Metro Manila ang mga sakop na lugar bunsod ng mga pag-ulan na nararanasan sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng mga local government unit mula Parañaque, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa na madalas na nakararanas ng pagbaha.
Pinaalalahanan nila ang mga residente sa mga naturang lugar na agad lumikas kapag nakikitaan nila ng pagtaas ng tubig sa mga creek o ‘di kaya’y ‘yung mga malalapit sa ilog.
Samantala, nakahanda naman na ang mga City Disaster Risk and Reduction Management ng bawat lungsod para umasiste sa mga maapaketuhan ng mga pag-ulan at pagbaha.
Tiniyak din ng bawat lokal na pamahalaan na may nakaantabay na relief goods, first-aid kit at iba pang pangangailangan ng mga residente sa oras na magtungo ang mga ito sa evacuation centers.









