Mga LGU sa Southern Metro Manila, nakaalerto na sa posibleng maging epekto ni Bagyong Crising

In-activate na ng ilan sa mga lokal na pamahalaan sa Southern Metro Manila ang kanilang mga evacuation center at mga ipapamahaging relief assistance.

Ito’y sa paghahanda para sa posibleng epekto ng Bagyong Crising.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) patuloy kasi na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang naturang bagyo.

Kung kaya pinapayuhan nila ang kanilang mga residente na maging alerto at mapagmatyag para makaiwas sa ano mang sakuna.

Kasunod nito, tiniyak naman ng bawat local government unit (LGU) na patuloy ang kanilang paglilinis sa mga estero para naman maiwasan ang pag-apaw nito kapag bumuhos na ang matinding ulan.

Nagpaalala rin ang mga ito sa publiko sa tamang pagtatapon ng basura at pagiging responsable sa kanilang mga kalat para maiwasan ang sakit at mapanatiling malinis ang mga kalsada.

Facebook Comments