Mga LGU, walang kapangyarihang magsuspinde ng biyahe sa mga paliparan

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na kapangyarihan ang Local Government Units (LGUs) na magsuspendi international at domestic flights dahil sa banta sa COVID-19.

Kasunod ito ng naging utos ni Davao City Mayor Sara Duterte na pagsuspendi sa lahat ng air travel papasok at palabas ng kanilang lalawigan.

Ayon kay Año, wala sa mandato ng isang LGU na magkansela ng anumang flights lalo’t nasa direktiba ito ng isang departamento.


Una na ring sinabi ng alkalde na tatagal ang air travel sa kanilang lungsod hangga’t umiiral ang State of Public Health Emergency.

Facebook Comments