Mga LGUs, bibigyan ng dagdag na pondo pantugon sa COVID situation sa kanilang nasasakupan

Makakatanggap ang bawat siyudad at munisipalidad ng katumbas ng isang buwan ng kanilang Internal Revenue Allotment o IRA para dagdag pantugon sa COVID-19 situation sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Senator Christopher Bong Go, kukunin ito sa P30.824 billion pesos na ilalabas ng Department of Budget and Management para sa one-time na Bayanihan Grant para sa mga Local Government Units o LGUs.

Inirekomenda ito ni Go, para magkaroon ng dagdag ang pondo ng mga LGUs sa pagbibigay ng relief goods, pagtatayo ng temporary shelter sa mga palaboy at pagbili ng mga gamot at kagamitan para sa kanilang mga ospital at sa mga frontliners.


Kaugnay nito ay pinagsabihan ni Go ang mga LGUs na maging transparent sa paggastos, huwag magsamantala, huwag magsayang at gamitin ng tama ang salapi para maramdaman ng mga tao kahit sa malalayong lugar ang tulong mula sa gobyerno.

Facebook Comments