Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay samga Local Government Units o LGUs na magtakda ng mga open spaces sa kanilangnasasakupan na pwedeng takbuhan at ligtas na himpilan ng publiko sa kapagtumama ang lindol.
Ayon kay Binay, mahalaga ang nabanggit na open spaceslalo na sa mga matataong lugar tulad ng mga siyudad at iba pang highlyurbanized areas.
Maliban dito, sinabi ni Sen. Binay na dapat ay kumilosdin ang mga barangay leaders paratukuyon ang mga lugar sa kanilang nasasakupan na delikado sa lindol at iba pangkalamidad.
Binigyang diin pa ng Senadora ang kahalagahan sa bawatkomunidad na maipabatid sa mga residente ang mga evacuation sites at na pwedenila pagkanlungan sa oras na tumama ang lindol at iba pang sakuna.
Maging aktibo dapat aniya sa information campaign at maslalo pang paigtingin ang mga quake drills upang maging pamilyar ang lahat samga procedures tulad ng duck-cover-hold at pag-evacuate tungo sa mga ligtas namga lugar.
Mga LGUs, dapat magtakda ng mga ligtas na lugar na pwedeng takbuhan sa oras ng lindol
Facebook Comments