MGA LGUS, HINIKAYAT NA TUKUYIN ANG LIGTAS AT MATATAAS NA LUGAR SA POSIBLENG BANTA NG TSUNAMI

Inabisuhan na ng Office of the Civil Defense Ilocos ang mga lokal na pamahalaan sa Region 1 ukol sa patuloy na pagsasagawa ng mga hakbangin o paghahanda laban sa hindi inaalis na tyansa ng tsunami kasunod na naitalang magkakasunod ng offshore tremors noong Disyembre.

Sa pagtataya ng PHIVOLCS, posible ang 7 hanggang 11.9 metro ng alon sa Pangasinan habang ang Bolinao, posible ang 11 meters na wave height sakaling patuloy pang yanigin ang Manila Trench. Isa sa paghahandang tinututukan ngayon ang paghimok sa mga LGUS sa Pangasinan at sa iba pang probinsya sa Rehiyon Uno na tukuyin ang mga ligtas at matataas na lugar na maaaring puntahan ng mga residente.

Samantala, inihayag din ni OCD Region 1 Spokesperson Adreanne Pagsolingan sa panayam nito sa IFM News Dagupan, na mangilan-ngilan ng LGUs sa rehiyon ang nakapag report na kanilang ahensya ukol sa pagsasapinal ng evacuation plans. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments