Mga LGUs, hinikayat ni PBBM na isulong pa ang digitalization

Patuloy na inilalapit at pinalalawak ng Marcos administration ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

Ito ay matapos na ilunsad kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communication Technology (DICT) ang E-LGU System, na magsisilbing one-stop shop platform para sa mga serbisyo ng Local Government Units (LGUs).

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang pumila ng publiko, para sa local tax processing, local registration, basic certifications, lisensya, at iba pa.


Habang sa ilalim naman ng People’s Feedback Mechanism o eReport, agad na maiu-ulat ng publiko ang mga masasaksihang krimen, sunog, o iba pang emergency situations.

Naka-link ang eReport ng PNP at Fire Response Management System ng BFP dito, para ito sa real-time na pagtanggap at pagtugon sa anomang case reports na idudulog ng publiko.

Kumpyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa pamamagitan ng sistemang ito, patuloy na malalabanan ang kriminalidad sa bansa, lawlessness, at masisiguro ang mabilis na pag-aksyon sa anomang insidente sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon pa sa pangulo, ito na ang panahon kung saan ang teknolohiya ay may malaking papel sa paghubog ng lipunan.

Kaya dapat ayon sa pangulo na patuloy na itong aralin lalo’t ang digitalization aniya ay magsisilbing tanda ng progreso pa ng bansa, sa hinaharap.

Facebook Comments