Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga Local Goverment Units (LGUs) na mamili ng palay sa papasok na anihan para mapaigting ang food security sa gitna ng pandemya.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na malaki ang maitutulong ng mga lokal na pamahalaan sa National Food Authority (NFA) sa pag-preposition ng palay sa papasok na panahon ng anihan.
Sa ngayon aniya ay ₱19 per kilo ang bilihan ng palay sa mga lalawigan.
Kung wala aniyang pera ang mga LGUs ay maaari silang makapag-avail sa 2 billion na pautang ng Landbank upang agresibong makapamili ng palay.
Kabilang sa mga LGUs na agresibong namimili ng palay sa kanilang mga local farmers ay ang Isabela, Nueva Ecija at Camarines Sur.
Maliban sa palay procurement, dapat ding suportahan ng mga LGUs ang programang urban gardening at ang gumugulong na Kadiwa program.