Mga LGUs, inatasan na tulungan ang COMELEC sa pagtanggal ng unlawful campaign materials sa panahon ng halalan ng BSKE ayon sa kalihim ng DILG

Inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., ang Local Government Units (LGUs) na asistihan ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagbaklas ng mga election propaganda materials na labag sa batas sa halalan.

Ginawa ito ng kalihim habang papalapit na ang election period sa Agosto 28 para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Paliwanag pa ni Abalos, ang DILG, LGUs, at iba pang ahensya ng gobyerno ay deputized ng Comelec upang tulungan ang election body.


Nakatakda na ang Barangay at SK election sa Oktubre 30, habang tatakbo naman ang election period mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.

Ang panahon ng kampanya naman ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang 28.

Facebook Comments