
Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na maiging bantayan ang mga komunidad na nasasakupan matapos na madakip ng National Bureu of Investigation (NBI) ang walong Chinese nationals sa POGO hub sa isang subdivision sa Davao City.
Ayon kay Gatchalian, ang pagkakaaresto sa mga dayuhang sangkot sa POGO ay patunay na mayroon pa rin nito sa bansa sa kabila ng ipinapatupad na total ban ng pamahalaan.
Inaatasan ng senador ang mga LGU na bantayang mabuti ang mga nasasakupan at walang POGO ang dapat na makalusot nanaman.
Mabilis na pinakikilos ng mambabatas ang mga LGUs laban sa mga kahina-hinalang aktibidad sa nasasakupan gayundin ang agarang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Paalala ni Gatchalian sa mga LGUs na tungkulin nilang bantayan ang kanilang mga lugar at hindi dapat magpabaya at palusutin ang mga POGO.









