Mga LGU’s, Korporasyon at Publiko ,huwag na raw bumili ng paputok sa halip ibigay na lang ang pera sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad

Sa halip na bumili ng mga paputok, mas maige na ilaan na lamang ang pera at ipamigay sa mga pamilya na sinalanta ng bagyo at baha sa Luzon at Visayas at Lindol sa Mindanao.

Ito ang apela ng Ecowaste Coalition sa mga LGU’s, Korporasyon at sa Publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang perang malilikom sa hindi pagbili ng mga paputok ay maaaring idaan sa mga Government Institutions, Private Foundations, Simbahan di kaya ay sa  Media at Civic groups na nasa grounds at tumutulong sa mga pamilyang biktima.


Paliwanag ni Dizon na malaking bagay na ito para ipambili ng Noche Buena o Media Noche food packs, o di kaya ay mga  Housing materials at iba pa lalo na ngayong Kapaskuhan.

Dagdag pa ni Dizon , ang kabawasan ng paggamit ng mga  Firecrackers at Fireworks ay malaking tulong din  para maging malinis ,malusog at ligtas ang Selebrasyon ng Pasko lalo na ang Bagong Taon.

Huwag na rin daw mag aksaya ng pera ang mga Public Officials sa pagpapagawa ng “Merry Christmas and Happy New Year” Tarpaulins.

Facebook Comments