Mga LGUs maaaring mag-request ng pwersa ng militar sa mga lugar na nagpapatupad ng granular lockdown

Nananatiling epektibo ang naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakaroon ng presensya ng tropa militar sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na hindi naman binawi ang nasabing kautusan.

Bagkus maaaring mag-request ang alinmang Local Government Unit (LGU) ng back up sa militar para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols lalo na sa ilang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown.


Ani Lorenzana, nakahandang umasiste anumang oras ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga LGUs at pulis upang mas mahigpit na maipatupad ang health and safety protocols sa layuning mapigilan ang pagkalat ng virus.

Dati nang rumonda ang ilang military trucks sa Metro Manila partikular noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan armado ito ng loudspeaker upang ipanawagan sa ating mga kababayan na maging home liner.

Facebook Comments