Mga LGUs, makakatanggap ng ₱5.6B na pondo mula sa national wealth

Makakakuha ng ₱5.6 Billion ang mga Local Government Units mula sa pondo ng National wealth ng bansa sa 2020.

Ang nasabing pondo ay nakapaloob sa ₱4.1 Trillion national budget.

Ayon kay Deputy Speaker Johnny Pimentel, ito ay mula rin sa 40% share ng mga LGUs para sa development at paggamit ng energy reserves, mineral deposits, mining taxes, at forestry charges sa kanilang mga lugar.


Mas mataas ng 75% ang makukuha sa national wealth budget ng LGUs sa susunod na taon kumpara ngayong 2019 na nasa ₱3.2 Billion lamang.

Ang pondo ay gagamitin naman ng mga LGUs para pondohan ang local development at livelihood projects.

Facebook Comments