Hinimok na ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Units na gawing Zero-Fire Cracker Injuries ang Holiday Season ngayong taon.
Maging ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ay inatasan din na ipatupad ang mga Polisiya sa national at Local Policies sa paggamit ng mga Fire Crackers at iba pang Pyrotechnic Devices.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangang imonitor at ipatupad ang batas tungkol sa mga paputok.
Nais nito na walang mapahamak at maging ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Aniya, mandato ng mga LGUs na protektahan ang kanilang mamamayan, itaguyod ang kapakanan at tiyaking naipapatupad ang Fireworks-Related Local Ordinances.
Base sa datus ng PNP, umabot lamang ng 307 Firecracker-Related Incidents sa buong bansa ang naitala noong January 2019.
Mas mababa ng 67 percent kumpara sa 929 recorded incidents noong 2016.
449 incidents naman ang naitala noong 2018 habang 652 noong 2017.
Inaasahan na rin ang inspection ng pulisya sa mga Manufacturing Complex, Warehouse, at Processing Area ng mga Manufacturers at Dealers upang tiyakin na nakakasunod sila sa Safety Guidelines.