Mga LGUs, triple kayod na laban sa COVID-19

Puspusan ang ginagawang trabaho ng Local Government Unit upang masugpo ang Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa Lungsod ng Maynila, gumagawa na ng paraan ang City Social Welfare Service para masagip ang mga informal settler at street dwellers na pagala-gala sa Lungsod.

Sa Makati City, walang humpay ang disinfection drive ng pamahalaang lungsod sa 33-barangay nito.


Bukas naman ang Marikina City sa pagtanggap ng mga magpapa COVID-19 test na hindi taga-lungsod.

Habang upang makatulong, ibinigay na ng Pasig City Government ang sweldo ng kanilang mga empleyado.

Samantalang mahigpit na rin na ipinapatupad ang 24-hour curfew sa buong Quezon Province at lockdown sa Lipa City sa Batangas.

Facebook Comments