MGA LIBRENG SERBISYO, INIHATID SA ILANG BARANGAY SA BAYAMBANG

Mga libreng serbisyo mula sa munisipyo ng Bayambang ang inihatid sa ilang barangay sa kanilang bayan, kamakailan.
Ito ang ika-anim na taon ng Komprehensibong Serbisyo sa bayan o KSB sa Malimpec Covered Court.
Kasama ang buong team ng KSB year 6 ay naghatid ang mga ito ng lahat ng free services para sa mga bata pati mga Senior Citizens mula sa mga Barangay ng Alinggan, Langiran at Malimpec.

Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay sa pangunguna Malimpec Punong Barangay BHWs, CVOs at volunteers kung saan mainit kanilang tinulungan ang buong miyembro ng KSB Year 6 Team.
Dahil rin sa init ng panahon, kasama rin sa aktibidad ang PNP, BFP, at MDRRMO para sa pag-agapay at masiguro ang seguridad ng mga residente sa kung ano mang hindi inaasahang pangyayari. |ifmnews
Facebook Comments