Patuloy ang pagsasagawa ng mga libreng serbisyong medikal sa Dagupan City bilang isa ito sa pinakaprayoridad din na sektor sa lungsod lalo na ang kapakanan ng mga bata at matanda.
Hinihikayat ang mga residente sa lungsod na samantalahin ang mga libreng serbisyong medikal na isinasagawa upang kahit papaano ay makatulong na mabawas sa gastusing medikal at matignan na rin ang kalusugan ng pangangatawan.
Libre ang mga serbisyo sa City Health Office tulad ng regular check-up, immunization, animal bite, prenatal, at diagnostic services, X-Ray, CT Scan, ECG, Mammogram, Ultrasound at 2D Echo.
Ang bawat libreng serbisyong medikal ay may maaaring ma-avail sa mga itinakdang schedule.
Samantala, nagbahagi rin ang nutrition office at CDRRMO ukol sa safety tips sa tuwing makararanas ng sakuna o kalamidad. | ifmnewsdagupan






