Mga lider mula sa iba’t ibang bansa, sasalubungin ng mga estudyante sa Clark International Airport

Manila, Philippines – Sasalubungin ng mga kabataang estudyante na may makukulay na kasuotan at palamuti ang mga world leaders at iba pang delegadong darating sa Clark International Airport.

Ang mga estudyante ay inorganisa mula sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga para mag-alay ng mga sayaw sa mga bisita na hango sa ating kultura at tradisyon.

Bukod pa ito sa ipagkakaloob na arrival honors sa mga world leaders na magmumula sa Clark, bago ang kanilang biyahe sa Metro Manila.


Mula sa sinasakyang eroplano, at matapos mabigyan ng mainit na pagsalubong ay ihahatid na sila sa kanilang sasakyan at sasabayan na ng mga security personnel bilang escort.

Facebook Comments