Mga lider ng kamara, hinamon si VP Sara na patunayang hindi ito ‘spoiled brat” sa pamamagitan ng pagrespeto sa pagbusisi ng kamara sa budget ng tanggapan nito

Hinamon ng mga lider ng Kamara si Vice President Sara Duterte na patunayan na hindi ito spoiled brat sa pamamagitan ng paggalang sa proseso ng pagbusisi sa budget nito na nakatakdang magpatuloy alas-nuwebe ngayong umaga.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre, dapat makipagtulungan si VP Sara sa budget hearing sa ngalan ng transparency at accountability at pagprotekta sa pera ng mamamayan.

Nilinaw naman ni Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Representative Amparo Maria “Pammy” Zamora na ang pagtalakay sa badyet ay hindi tungkol sa kung ano ang nais na makuha o marinig ng mga kongresista kundi kung papaano nagamit ang pera ng taumbayan.


Binigyan-diin naman ni Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon, hindi dapat pumalag si Duterte sa pagtatanong ng mga kongresista kung wala naman itong itinatago lalo na ang may kinalaman sa isyu ng confidential funds.

Magugunitang sa unang pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa ₱2.037-billion na 2025 proposed budget para sa Office of the Vice President (OVP) ay paulit-ulit na tumanggi si Duterte na sagutin ang mga tanong hinggil sa ₱125 milyong confidential funds nito na naubos sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.

Facebook Comments