Ipinagtanggol ng mga lider ng House of Rerepsentative si Pangulong Ferdinand bongbong Marcos Jr., laban sa panawagan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na magbitiw ito.
Ayon kay Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez, walang basehan at maituturing na kawalang respeto ang panawagan sa harap na mahusay na perfomance ni PBBM kung saan napakarami nitong nagawa para maibangon ang bansa mula sa pandemya at mapabuti ang buhay ng mamamayan.
Sinabi naman ni Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit na bagama’t inirerespeto nito ang opinyon ni Duterte ay hindi siya sang-ayon dito.
Giit naman ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., dapat irespeto ang Office of the President bukod sa wala ring basehan ang hiling na magbitiw si PBBM dahil napakasipag nito.