Mga lider ng Marawi, kuntento sa itinatakbo ng rehabilitasyon sa lungsod na pinadapa ng giyera sa terorismo

Kuntento ang mga Marawi leaders sa resulta ng ongoing massive rehabilitation ng Marawi City na pinadapa ng giyera noon sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Maute-ISIS terror group.

Para sa Marawi Sultanate League, sa pamamagitan ng kanilang Chairperson na si Sultan Nasser Disomangcop Sampaco, pinupuri nila ang Task Force Bangon Marawi sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho at hindi nagpapaapekto sa mga kritiko.

Nagpahayag ng buong suporta ang grupo sa mga programa at aktibidad ng task force sa Marawi City.


Dagdag ni Sultan Nasser, nasa tamang direksyon ang task force na makalikha ng new era kung saan ay gagawing world-class city na may pagkilala sa kultura ng mga mamamayan ang dating war torn city.

Facebook Comments