Mga lider ng Muslim group, pinulong ni QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar

244

Manila, Philippines – Pinulong ni QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga lider ng muslim group upang hilingin ang kanilang tulong para malaman kung sinu-sino ang mga sympathizer ng Maute group sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Eleazar malaking tulong ang kanilang mga partisipasyon upang mapanatili ang kaayusan at katahiimikan sa kanilang lugar.


Pailiwanag ni Eleazar kilala ng mga lider ng muslim group kung sinu-sino ang kanilang mga kakampi at kaaway sa kani-kanilang mga Barangay.

Giit ng Heneral mahalaga ang papel ng mga muslim leaders upang matukoy kung mayroong ngang nagpaplano na maghasik ng kaguluhan sa Lungsod.

Matatandaan na nagbanta si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na mananagot ang ibat ibang muslim groups na magkakanlong ng mga symphatizers ng Maute Group.

Facebook Comments