Isinulong ngayon ni KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo ang panawagan ng Fisherfolk Council of Leaders kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang House Bill No. 1977 o panukalang paglikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).
Sabi ni Salo, ang nabanggit na hiling ng Fisherfolk Council of Leaders ay nakapaloob sa inilabas nilang resolusyon na kanilang isusumite kay PBBM, kay Senate President Francis Escudero at kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Iginiit ni Salo na ang paglikha ng DFAR ay mahalaga para mas mapahusay ang pamamahala at pagpapaunlad sa ating aquatic resources.
Diin pa ni Salo, makatutulong din ito para mapabuti ang ang kabuhayan ng mga mangingisda at mapag-ibayo ang seguridad sa pagkain ng buong bansa.
Paliwanag ni Salo, sa kabila ng kahalagahan ng sektor ng pangisdaan ay patuloy itong humaharap sa matitinding hamon o suliranin na siyang tutugunan ng itatatag na DFAR.
Facebook Comments