Mga liham ni Assistant Secretary Mocha Uson, hindi pa nababasa ni Secretary Andanar

Manila, Philippines – Hindi pa nababasa ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang request letter ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson na humihiling na i-reclassify ang accreditation ng online news organization na Rappler na isang online news organization.

Bago umalis patungong Vietnam ay sinabi ni Andanar na nasa Tawi-Tawi siya noong Martes habang ngayon naman ay kasama siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Da Nang, Vietnam para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon kay Andanar, nasa kanyang opisina na ang isang pahinang liham ni Uson pero hindi pa niya ito ginagalaw at nababasa.


Sinabi ni Andanar, babasahin niya ang liham ni Uson sa susunod na linggo kapag nakauwi na siya mula sa Vietnam.

Facebook Comments