Mga Local Coop Development Officers, malaki ang papel sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya

Kumpyansa si Senador Risa Hontiveros na ang pagtatalaga ng permanente at lokal na development officers ay magiging pangunahing instrumento tungo sa pagpapalakas ng mga kooperatiba sa harap ng pandemya at problema sa ekonomiya.

Nakapaloob ito sa Cooperative Development Officer Bill, na naglalayong lumikha at magtalaga ng Cooperatives Development Officer (CDO) sa lahat ng Local Government Units (LGUs).

Inaasahan ni Hontiveros na ang pagtatalaga ng permanenteng CDO ay hindi lamang magpapalakas sa pagtataguyod at pagbuo ng mga kooperatiba, kundi makakatulong din sa pagpapaangat ng antas ng buhay ng mga Pilipino lalo na ang mahihirap.


Sabi ni Hontiveros, titiyakin ng panukala na mas mabisa at mabilis na matutugunan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga kooperatiba bilang kaagapay sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

Binigyang-diin ni Hontiveos na hindi matatawaran ang kontribusyon ng kooperatiba na siyang susi sa pag-unlad ng ating mga kababayan lalo na ng mahihirap.

Giit ni Hontiveros, sa panahon ng krisis, mas kailangang mapalawak at mapatatag ang suporta sa mga kooperatiba.

Facebook Comments