Pinayuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local officials na huwag umastang ‘special’ sa kanilang panunungkulan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dapat i-turing ng mga government officials ang kanilang sarili na isang ordinaryong tao at manggagawa ng taumbayan.
Ang pahayag ay ginawa ng DILG kasunod ng kaso ni Cainta Mayor Kit Nieto na hindi magandang halimbawa sa mata ng publiko.
Hindi umano gumamit ng helmet ang alkalde habang nagmomotorsiklo kamakailan.
Ang alkalde ang siyang dapat manguna sa pagsunod sa batas at hindi sa paglabag nito.
Sinabi ni dilg undersecretary at spokesperson jonathan malaya na ang pamamahala sa public office ay hindi aniya nagbibigay ng espesyal na katayuan sa mga indibidwal.
Sinumang local officials o barangay chairman at iba pa ay hindi exempted sa saklaw ng batas.
Una nang humingi ng tawad sa publiko ang alkalde sa kanyang ikinilos at tinanggap ang kanyang mga pag-kukulang.