Mga Local Officials ng Cauayan City, Isabela, Sumama sa Tree Planting ng mga Kandidata ng Miss Earth 2018!

149

*Cauayan City, Isabela- *Malugod na sinalubong at sinamahan ng mga Opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang pagdating at pagsasagawa ng Tree Planting ng mga tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018 dito sa ating Lungsod.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sangguniang Panlungsod Member Egay Atienza na isa sa mga sumalubong kahapon sa Cauayan City Airport sa pangunguna nina City Mayor Bernard Dy at Vice Mayor Bong Dalin kasama ang iba pang mga Opisyal at empleyado ng LGU Cauayan City.

Aniya, kanilang sinamahan sa pagtatanim ng mga Narra seedlings ang mga kandidata sa Hacienda San Luis kung saan kanila umanong lalagyan ng marker ang mga itinamin na seedlings ng mga kandidata upang mabigyan ang mga ito ng palatandaan bilang tanim ng mga Miss Earth 2018 Candidates.


Ayon pa kay Atienza, naging maayos at maganda naman ang pakikitungo ng mga kandidata sa mga local Officials maging sa mga ordinaryong mamamayan ng Lungsod ng Cauayan.

Kaugnay nito ay matagumpay namang natapos ang isa sa mga layunin ng mga kandidata dito sa ating Lalawigan bukod sa kanilang isasagawang Outreach Programs at main event dito sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments