MGA LOCAL VENDORS SA DAGUPAN CITY, BALIK NEGOSYO PAGKATAPOS ANG ILANG ARAW NA PAGTIGIL DULOT PA RIN NG MATINDING PAGBAHA

Balik negosyo na ang halos lahat sa mga local vendors sa Dagupan City partikular mga manlalako sa kahabaan ng Downtown Area ng lungsod pagkatapos ang ilang araw na pagtigil sa pagtitinda bunsod ng naranasang matinding pagbaha sa lungsod.
Ngayong araw, bahagyang mababa na ang lebel ng tubig kumpara noong mga nakaraang mga araw na kitang kita na covered ng tubig baha ang mga kakalsadahan sa lungsod.
Bagamat may pagbaha pa rin ay tuloy na sa operasyon ang mga local vendors at anila ay sana magtuloy tuloy na ang paghupa nito nang sila ay makabawi naman dahil hindi rin biro ang ilang araw sanang nakakita na ng pera.

Samantala, halos lahat ng din mga kakalsadahan ay kinumpirmang passable na sa kahit mga light vehicles. |ifmnews
Facebook Comments