Mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na pinauwi sa lalawigan, halos limang libo na ayon sa DILG

Umabot na sa halos limang libong (5,000) Locally Stranded Individuals (LSIs) ang nakabalik na sa kanilang mga lalawigan sa ilalim ng ikalawang phase ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.

Ito’y sa loob lamang ng tatlong araw at inaasahan may dalawang libo pang LSIs ang maihahatid sa kani-kanilang mga lalawigan anumang araw ngayong linggo.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, naihatid na sa kanilang pamilya ang 4,793 LSIs na naipit sa Metro Manila dahil sa pandemic.


Sa kabuuang bilang:
• 35 LSIs ay inihatid sa Region 1
• 106 sa Region 2
• 11 sa MIMAROPA
• 149 sa Region 5
• 623 sa Region 6
• 325 sa Region 7
• 696 sa Region 8
• 56 sa Region 9
• 517 sa Region 11
• 724 sa Region 12
• 1,512 sa Region 13
• 39 sa Cordillera Administrative Region (CAR)

Dagdag pa ng opisyal na karamihan sa 2,000 LSIs na pinoproseso pa ang biyahe ay mga walk-ins na pauwi sa Zamboanga, Butuan, at Davao na ngayon ay nananatili muna sa Rizal Memorial Stadium.

Facebook Comments