MGA LOKAL NA KOOPERATIBA SA BAUTISTA, TINURUAN NG TAMANG FINANCIAL MANAGEMENT

Binigyang-diin sa bayan ng Bautista ang pagpapalakas ng kaalaman sa financial management ng mga lokal na kooperatiba sa pagdiriwang ng Cooperative Month.

Sa pamamagitan ng temang “Kapital at Ipon Tungo sa Asenso,” itinampok ang kahalagahan ng tamang paghawak ng pondo bilang susi sa paglago at katatagan ng mga kooperatiba.

Nilalayon ng programa na sanayin ang mga kasapi at opisyal sa maayos na pamamahala ng yaman upang makatulong sa pagpapatatag ng kanilang operasyon.

Inaasahan na mapapaigting ang kaalaman ng mga komunidad sa pananalapi kasunod ng aktibidad.

Facebook Comments