Mga lokal na magsasaka sa Benguet, umaaray na dahil sa pagbuhos ng smuggled carrots mula sa China

Umaaray na ang mga lokal na magsasaka sa Benguet dahil sa pagbuhos ng mga smuggled na carrots mula sa China.

Ayon kay Augusta Balanoy ng Highland Vegetable Multipurpose Cooperative, inalerto na nila ang Department of Agriculture matapos mapag-alaman na wala palang iniisyung permits para sa importasyon ng gulay ang Bureau of Plant Industry.

Dagdag pa ni Balanoy, nakakuha na sila ng mga sample ng nasabing imported carrots na kahun-kahon kung ibagsak sa mga pamilihan at lumalabas na nagmula ang mga ito sa China.


Sa kasalukuyan ay sumulat na aniya sila sa Bureau of Customs para aksyunan ang sinasabing smuggling ng mga imported na gulay.

Samantala, nanawagan naman ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa DA na bumili ng palay sa mga lokal na magsasaka na nalulugi na rin ngayon dahil sa mababang farmgate prices.

Facebook Comments