Mga lokal na opisyal ng Marawi City, planong imbestigahan ng Senado

Marawi City – Sa tamang panahon ay isusulong ni Committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan na imbestigahan ng Senado ang mga lokal na opisyal ng Marawi.

Ayon kay Honasan, mainam na itaon ang imbestigasyon, in aid of legislation, sa oras na humupa na ang sitwasyon sa Marawi City at masimulan na ang rehabilitasyon at rekonstruksyon dito.

Diin ni Honasan, maraming dapat ipaliwanag ang mga lokal na opisyal ng Marawi City kaugnay sa pagsalakay ng Maute Group.


Target ni Honasan na makuha sa mga local officials ang sagot kung paano malayang nakapag imbak ng napakaraming armas, bala at pagkain ang Maute Group.

Nais din ni Honasan malaman, kung paano malayang nakapagsagawa ng pagpupulong at pagpaplano ang Maute Group sa Marawi ng wala man lang naka-monitor at nakapag report sa mga otoridad.

Una rito ay lumabas ang mga impormasyon na walong taon umanong pinagplanuhan ng Maute Group ang pag-atake sa Marawi City.

“Yes at the proper time after rehabilitation & reconstruction have been set in motion hearing should be conducted,” ayon kay Senator Honasan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments