Mga lokal na opisyal, pinadidistansya ni VP Duterte sa mga guro

Pinalalayo ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang mga lokal na opisyal sa mga guro.

Sa kanyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Manila Hotel, sinabi ni Duterte na hindi dapat gamitin ang mga guro sa mga aktibidad ng mga politiko.

Aniya, ang trabaho ng mga guro ay magturo at hindi para gumawa ng iba pang bagay na labas sa paaralan.


Iginiit din ng bise presidente na hindi ang mga guro o mga principal ang makakapagpanalo sa mga lokal na kandidato kundi ang kanilang trabaho at sinseridad.

Nanawagan din si Duterte sa local officials na sundin ang ranking ng pagpili sa mga guro at huwag pairalin ang palakasan.

Sa kabilang dako, nanawagan si Duterte sa mga guro, principal, at Department of Education (DepEd) personnel na huwag papanig sa kahit na sinong politiko.

Hinimok din ng Bise Presidente Duterte ang local officials na mag-invest sa edukasyon.

Facebook Comments